MGA MAKIKITA SA TAUHAN

Maraming tauhan sa nobelang Noli me Tangere at isa't isa ay mayroong ibang mga katangian at simbolismo. Pwede silang hango sa mga totoong katauhan o karakter na galing sa ibang kwento. Sa lahat ng lahi ay may mga masasama at mabuting tao kaya isa sa mga pagsasalin ng "Noli Me Tangere" ay "social cancer". Pinapakita na kahit saang lipunan, mataas o mababa ang posisyon ay mayroong mga tao na masama ang loob.


Don Rafael Ibarra

Siya ang sumisimbolo na ang Pilipinas ay unti-unting namamatay.


Elias

Siya ang naglalarawan sa mga karaniwang Pinoy noong panahon ng Kastila. Maaring hinango ni Rizal ang pangalan na ito ng kanyang paboritong tauhan mula sa propeta ng Israel na si Elias na nakaharap at humamon sa mga pari ni Baal na noon ay nagpasok ng ibang mga diyos at diyos-diyosan (graven image) sa Israel. Ginamit ni Rizal si Elias, bilang isang lihim na simbolo ng pagtutol ni Rizal ng paggamit ng mga rebulto ng mga santo sa loob ng kolonyal na simbahan. Maihahalintulad siya kay Andres Bonifacio.


sisa

Siya ay ang naging larawan ng mga inang nagdusa dahil sa kawalan ng anak nila. Sumisimbolo siya sa mga abuso ng mga Pilipino na nakaranas ng trahedya na sumira sa buhay nila.


crispin at basilio

Simbolismo ng mga inocente na Pilipino na nakasuhan ng mga krimen na hindi nila nagawa.


Dona Victorina de los Reyes de EspadaƱa

Siya ang naglalarawan sa mga babae na ang ginugusto lamang ay mapanatili ang kanilang itsura na maganda bilang isang tao na kasama sa mga miyembro ng mataas na lipunan. Kahit siya ay isang Pilipino, tinalikuran niya ang kanyang totoong pagkakakilanlan para makakuha ng mas mataas na posisyon sa buhay.


Don Tiburcio de EspadaƱa

Nagsisimbulo sa mga mangmang na kastila na nakakasakit sa iba. Ayaw ng ibang kastila ang ginagawa niya kasi nagiging pasanin siya sa kanila.


Donya Consolacion

Naglalarawan sa mga Pilipino na ikinahihiya ang kanilang nasyonalidad.

( Made with Carrd )